Search Here :)

Custom Search

Translate

Tuesday, June 02, 2009

Ang Pulang Bahay


Hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kay Andrea. Sa tuwing makikita ko ang litrato niya ay hindi ko mapaliwanag ang aking nararamdaman, magkakahalong galit, takot at lungkot ito. Galit sa sarili dahil hinayaan ko siyang mapahamak, takot dahil baka malaman nila ang totoong nangyari at lungkot dahil nawalan ako ng kaibigan.



SAMPUNG TAON NA ANG NAKALIPAS…



Isang araw, kasama ang aming barkada, niyaya kong makipag inuman si Andrea.

“Rea, Inuman tayo!” sabi ko.

“O sige! Kita tayo mamaya!” sagot naman niya.

“Kita tayo sa pulang bahay, malapit kina Migz.” Dagdag ng isang kabarkada.



Matagal na kaming magkakilala ni Andrea. Musmos pa lang, kambal tuko na kami. Walang okasyon na hindi kami magkasama. Kung nasaan siya, nandoon ako at ganoon din siya sa akin. Madalas kaming asarin ng mga kababata pero hindi naming ito pinapansin. Kilalang kilala naming ang isa’t isa, kaya siguro pinagkatiwalaan niya ko at sumama sa amin ng gabing iyon.



Kinagabihan, nagkita kita kaming lahat. Ayos na ang lahat, hinihintay na lang ang iba.

“Hay nako! Si Migz talaga! Siya na yung malapit siya pa huli!” pabirong sinabi ni Andrea.

“Alam mo naman yung tao, mas makupad pa sa pagong.” Sumabat si July, pinsan ni Andrea.

Nagtawanan ang lahat nang marinig iyon.

“Pero alam niyo, kahit mabagal pa sa pagong si Migz, ay lola, infairness, gwapo si Migz.” Pagtanggol ni Carol kay Migz.

Bumanat si Andrea “Hoy Caroline! Ayos ka lang? Hindi pa tayo nagsisimula, LASING ka na!”

“Eh gwapo naman talaga siya e” sagot ni Carol.

“Hay salamat! Dumating din siya” bulalas ko pagkakita kay Migz.

“O kamusta naman biyahe natin Miguelito? Trapik ba?” hirit ni Andrea.

“Ok naman, nasiraan lang diyan sa kanto” sagot ni Migz habang papasok ng pulang bahay.



Sinimulan na naming ang inuman, nung una ay masaya ang lahat, pero nang tumagal ay nagsasagutan na sila. Lasing na ang mga ito. Sabi ko sa sarili. Biglang tumahimik, napagod na siguro, lasing na nga.

Nagpaalam na sila Carol at July, nagpaiwan si Andrea. Palaging ganito ang nangyayari sa tuwing magiinuman kami, kaya ang turing na rink ay Andrea ay ‘one of the boys’. Ngunit ngayong gabi kinutuban ako ng masamang mangyayari kaya “Tara Rea, uwi na tayo, hatid na kita sa inyo” bulong ko kay Andrea.

“Mamaya na, tagay pa David! Kaya ko pa! Dito muna tayo!” sagot naman niya.

“Oo nga naman, Dave, inom pa! Talo ka pa ni Rea o! Mas lalaki pa ata sa iyo tong bespren mo e!” sigaw ni Migz. “Teka teka, pare, kulang pa alak, bili ka muna kina Manang Yolly!” dagdag ni Migz.



Bumili ako ng isa pang kahang beer, dalawang lapad at pulutan. Medyo natagalan ako dahil maraming tao sa tindahan. Naglalakad na ako pabalik, nang isang sigaw ang aking narinig. Si Andrea! Diyos ko! Huwag naman po sana!



Nakita ko ang lahat, nakita ko kung paano nila lapastanganin at babuyin si Andrea. Hindi ko inaakalang magagawa nila ito sa kababata namin. Gusto kong tulungan si Rea pero hindi ako makagalaw sa lugar na pinagtataguan ko, sa sobrang panghihina.

“Tulungan niyo ako!! TULONG!” Makailang ulit na sigaw ni Andrea.

Nakarinig na lamang ako ng putok ng baril.

Sa sobrang takot ay pinilit kong tumakbo papalayo ng pulang bahay.



Kinabukasan, pinaguusapan na ng mga kapitbahay ang nangyari kay Andrea. Nakiusap ako na lumipat sa bagong bayan o kahit saang lugar basta makakalimutan ko ang nangyari kay Andrea. Nakatakas sila Migz, kami naman ng pamilya ko ay lumipat ng tirahan.



Sampung taon na ang nakalipas. Sampung taon ko din itinago ang sikretong ito. Sampung taon bago ko natanggap na ako’y isang duwag at walang kwentang kaibigan. Nananalanging ako’y napatawad na ni Andrea at hindi ito mangyari sa anak kong babae.



WAKAS

1 comment:

  1. Sampung taon na hinde mo tinulungan ang kaibigan mo............. DI kalang duwag bulag ka pa. Isang bulaan, pipi, bingi ang katulad mo. hinde ka dapat ka awaan bagkus ikaw ay kainisan

    ReplyDelete